
Sa April 27 episode ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, nagsisimula nang lumubha ang karamdaman ni Thea (Yasmien Kurdi) dahil sa kanyang HIV.
Pero tila mabibigyan siya ng bagong pag-asa sa pagbisita ng anak niyang si Angela, na ginaganapan ng Kapuso child actress na si Caprice Cayetano.
Ipinamalas ni Caprice ang husay niya sa pag-arte at nakipagsabayan sa iyakan sa madamdaming eksena nila ni Yasmien.
Kayanin kaya ni Thea na labanan ang kanyang sakit dala lang pagmamahal ng anak?
Patuloy na panoorin ang advoca-seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime.