
Isa sa mga gumaganap na kambal nina Dennis Trillo at Chynna Ortaleza sa Mulawin VS Ravena na sina Wak at Tak ay si Caprice Mendez.
Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ipinasok sa acting workshops si Caprice ng kanyang mga magulang nang makitaan nila ito ng potential sa pag-arte. Mahiyain daw kasi ito dati kaya madalas ay nanonood lang ang child actor ng mga palabas sa telebisyon.
"Sa workshop po, ituturo po sa 'yo na huwag kang mahihiya, huwag kang mako-conscious," kuwento ni Caprice, na dati nang lumabas sa Kapuso shows na Strawberry Lane, Poor Señorita at Alyas Robin Hood.
Ang challenge daw sa kanya ngayon ay kung paano magkaroon ng galit ang kanyang character na Tak.
"Ang iniisip ko po parang medyo bad po kami. [Ginagaya ko lang po] ang Tatay Gabriel po namin."
Panoorin ang buong report dito:
Video courtesy of GMA News