
Dinagsa ng Pinoy fans ang “Witness Tour” concert ng American singer na si Katy Perry noong Lunes (April 2) sa Mall of Asia Arena. Ang ating mga Kapuso stars ay hindi nagpahuli sa kantahan at hiyawan kasabay ng kanilang idolo na apat na beses nang bumabalik sa Pilipinas.
Ang certified KatyCat na si Carla Abellana ay vocal na sinasabi na big fan talaga siya ng “Teenage Dream” singer mula noon hanggang ngayon. Kasama niyang nanood ng concert ang kanyang boyfriend at kapwa Kapuso star na si Tom Rodriguez.
“Never in my life I admired anyone this much. No matter how busy I get, siyempre, I make sure na kahit paano nafa-follow ko ‘yung career niya, ‘yung latest music. Happy [ako na] bumalik na naman siya,” kuwento ng aktres sa Balitanghali.
Ang girl power at pagbibigay inspirasyon sa kababaihan naman ang hinahangaan ni Kapuso star Bea Binene kay Katy.
“’Yung mga songs niya, it’s also for women empowerment. Hindi lang siguro ‘yung songs niya, [pati] ‘yung speeches niya every time siya nagko-concert,” saad niya sa report ni Cata Tibayan.
Naispatan rin sa concert sina Kapuso stars Mikee Quintos, Gabbi Garcia at iba pang celebrities.
IN PHOTOS: The stars spotted at Katy Perry's Witness Tour