What's on TV

WATCH: Carla Abellana at Gabby Concepcion, muling magtatambal sa 'Karelasyon'

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Na-miss n'yo ba ang tambalang Carla at Boss Yummy?

Muling magtatambal sina Carla Abellana at Gabby Concepcion para sa Christmas special episode ng Karelasyon na mapapanood ngayong Sabado, December 3.

Excited sa kanilang mala-reunion na pagganap ang dalawang Kapuso artists na huling nagkasama sa Because Of You.

Ani Carla sa panayam ng 24 Oras, “Kahit papano after Because Of You, may chance kami ulit makapag-work ni Boss Yummy.”

“Nagulat nga ako. Sabi ni Carla, six months na [nakalipas] eh. Akala ko parang kahapon lang,” dugtong naman ni Gabby. 

Ito ang ikalawang pagkakataon na aarte si Carla sa kanyang hino-host na programa. Sambit niya, tiyak na marami rin daw na makaka-relate sa kanilang kuwento. 

“Bakit kami nagsisimbang-gabi? Siyempre para makapag-wish kami kay Lord ‘di ba. So may kanya-kanya kaming wish dito, tapos ‘yun nga may common factor silang dalawa, ‘yung character. So at least, makaka-relate ‘yung mga viewers,” bahagi niya.

Bukod kay Carla, muling nakapiling din ni Gabby ang kanyang anak na si Cloie Syquia Skarne nang sumabak ang dalaga sa Miss Earth beauty pageant na ginanap dito sa Pilipinas.

Kuwento ng aktor tungkol sa kanyang anak, “Happy ka kasi nagagawa nila ‘yung... nagsu-survive sila. Happy sila sa nagagawa nila and they’re successful. ‘Yun lang, panalo na ‘yun.”


Video courtesy of GMA News


MORE ON CARLA ABELLANA AND GABBY CONCEPCION:

WATCH: Carla Abellana, pinangunahan ang blood-letting activity sa kanyang alma matter

READ: Gabby Concepcion, first time na bibida sa isang Afternoon Prime series