
Isang visual poem ang ibinahagi ni Carla Abellana sa kaniyang YouTube channel.
Sorpresang upload ito ng Kapuso star para sa mga subscribers nitong December 13.
Ani Carla, "I have a VERY SPECIAL SURPRISE for all my YouTube Subscribers tonight at 8 pm."
Ang visual poem ay may title na "Mahinahon" kung saan inilahad ang pagbangon at pagmamahal sa sarili pagkatapos masaktan at dumaan sa pagsubok.
PHOTO SOURCE: YouTube: Carla Abellana
Ilang mga subscribers ni Carla ang nagbahagi ng kanilang pagmamahal sa aktres at paghanga sa handog na ito ng aktres.
Saad ng isang netizen, "Bakit naiiyak ako. A poem that comes from a broken heart. Thanks for sharing these words, Ms. Carla."
Ayon pa sa isang subscriber ng aktres, "A meaningful poem. You are so beautiful, Carla."
"Love this. Stay strong empowered Carla. God bless" saad naman ng isa pang follower sa comments section.
PHOTO SOURCE: YouTube
Panoorin ang visual poetry ni Carla na "Mahinahon" sa kaniyang YouTube channel.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG BLACK-AND-WHITE PHOTOS NI CARLA SA GALLERY SA IBABA.