
May bagong paandar ang celebrity mother and daughter na sina Carmina Villarroel at Cassy Legaspi.
Para sa latest upload ni Cassy sa kanyang TikTok account, nakasayaw niya ang kanyang Mommy Carmina sa #BinibiningMarikitDanceChallenge. Ito ang unang beses na napanood sa TikTok video si Carmina.
As of writing naka-2.9 million views na ang video nina Cassy at Carmina.
Bukod sa pagTikTok, naghahanda na rin sina Carmina at Cassy sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition na magsisimula na ngayong July 18.
Abangan silang dalawa kasama si Mavy Legaspi at Direk Zoren Legaspi ngayong Sabado at 10:45 a.m.
'Sarap, 'Di Ba?' Bahay Edition, magsisimula na ngayong July 18
WATCH: Ang pasilip sa 'Sarap, 'Di Ba?' bahay edition