
Sa Sarap, 'Di Ba?, ibinahagi ni Carmina Villarroel ang isang moment kung saan na-witness niya kung gaano ka-protective si Mavy Legaspi sa kambal niyang si Cassy Legaspi.
Ayon kay Carmina, bata pa lamang sila ay protective na si Mavy kay Cassy.
"Noong nursery pa lang or kinder, 'di ba usually 'pag bata 'pag kinder magfo-form kayo ng circle. Tapos magho-holding hands kayo sa mga classmates mo."
Dagdag ni Carmina, hindi napigilan ni Mavy na lumipat sa tabi ng kanyang kapatid.
"Nakita ni Mavy na si Cassy nandoon sa tapat niya, may ka-holding hands na lalaki. Siyempre form a circle nga tapos, hold hands. Sabi ni Mavy, teacher excuse me I want to sit beside my sister kasi may ka-holding hands na lalaki."
Panoorin ang kuwentong ito sa Sarap, 'Di Ba?