
Ipinakita ni Carmina Villarroel kung paano niya dinesign ang kanilang bahay para sa nalalapit na Pasko.
Sa vlog ni Carmina ay ipinakita niya ang kanyang pagkahilig sa snowman.
Ang snowman design ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng kanilang bahay kaya naman feel na feel na ang Holiday season sa bahay ng Legaspi family.
Ayon kay Carmina, favorite niya ang snowman dahil napapasaya umano siya nito.
Photo source: YouTube: Carmina Villarroel-Legaspi
"Bakit snowman? Wala lang, kasi 'di ba ang cute niya? Parang nakaka-happy everytime you see them."
Bukod sa kanyang mga snowman, nagbahagi rin si Carmina ng kanyang DIY na Christmas decoration. Ang mga kagamitan na kanyang ginawa para sa pasko ay matatagpuan sa iba't ibang sulok ng kanilang bahay.
Isa sa mga payo ni Carmina sa pag-DIY, "'Yung containers and jars, you can put eucalyptus or Christmas balls."
Nagbigay rin ng payo sa pag-store ng Christmas decor ang Sarap, 'Di Ba? host para masigurong mare-reuse pa ang mga ito sa mga susunod pang mga taon.
Panoorin ang house tour ni Carmina para makita ang iba't ibang nakakatuwang snowman na matatagpuan sa bahay ng Legaspi family.
Silipin naman ang naging quarantine activities na ginawa nina Carmina, Zoren, Mavy at Cassy Legaspi.