GMA Logo Carmina Villarroels designer bags
Celebrity Life

WATCH: Carmina Villarroel's colorful designer bag collection

By Maine Aquino
Published March 29, 2021 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Duterte, lawyer deny laptop-throwing incident
Heads of state now in Cebu for ASEAN leaders meeting
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroels designer bags


Tingnan ang mga colorful designer bags, limited edition pieces, at mga memorable items na mayroon si Carmina Villarroel.

Sa latest vlog ni Carmina Villarroel ay ipinakita niya ang second part ng kaniyang collection ng designer bags. Ayon sa Kapuso star, ito ay mga naipon niya sa loob ng ilang taon niyang pagtatrabaho.

Ang designer bags ni Carmina ay may iba't ibang istorya, mayroon ring mga limited edition pieces, at mga collection na kaniyang naipon na mas matanda pa sa kaniyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Kuwento ni Carmina, "Ito po 'yung mga bags na may mga story behind [them] at bakit ko siya binili.

Saad pa ni Carmina, "I'm gonna show you naman my bag collection na medyo happy naman 'yung colors kasi yung first part natin yung top 10 favorite bags, halos lahat basic colors like black, brown, mga off white. Ito naman ipapakita ko sa inyo 'yung fun colors naman."

Tingnan ang top 10 favorite bags ni Carmina sa gallery na ito:

Sa vlog ay ipinakita ni Carmina ang ilang designer bags mula sa Louis Vuitton, Chanel, at Hermès. Ayon kay Carmina mayroon siyang mga nabili noong 18 or 19 years old pa lang siya.

Saad ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition host, "Mas matanda pa po ito sa kambal."

Nakita rin ang pagiging sentimental ni Carmina lalo na sa mga bigay ng kaniyang asawa na si Zoren Legaspi. Isa sa ibinili ni Zoren para kay Carmina na sobrang napamahal sa kaniya ay ang white Hermès Birkin.

"Sinurprise niya ako with a white Birkin."

Ayon sa aktres, tumulong ang kaniyang mga kaibigan sa pag-surprise sa kaniya.

"Tinulungan nila si Zoren to purchase a white Birkin bag. Bigla na lang pumunta doon si Zoren tapos sinurprise niya ako."

Isa pang hindi ma-let go ni Carmina ay ang limited edition niyang shoulder bag dahil ito ang kaniyang ginamit sa kanilang kasal.

"This is my one and only shoulder Birkin at hindi ko siya ile-let go kahit anong mangyari. Why? Because kung babalikan ninyo 'yung mga videos, kung mapapanood ninyo dito sa YouTube 'yung aking surprise proposal and surprise wedding, ito po 'yung dala dala kong bag noong bumababa ako ng kotse.

Carmina Villarroel and her Hermes shoulder bag

Photo source: YouTube: Carmina Villarroel-Legaspi

Ipinaliwanag ni Carmina sa kaniyang vlog ang pagiging seasonal pagdating sa bags.

"There was a time na super favorite ko dati ang Birkin. I'm a seasonal person. Hindi po ibig sabihin na favorite ko ang Birkin, for life ko na siya favorite. Hindi e. Parang itong season na 'to gusto ko Birkin. So pagiipunan ko Birkin."

"Tapos ibang brand naman gusto ko. Hindi lang sa bags, even sa shoes or sa kahit anong bagay I'm a very seasonal person."

Inamin ng aktres na nagpapasalamat siya dahil sa natapos na ang kaniyang phase sa Birkin.

"Buti na lang natapos na yung phase ko na mahilig ako sa Birkin, kasi nga ang mahal niya!"

Sa kaniyang vlog, nilinaw ni Carmina na hindi siya basta basta namimili ng designer bags.

"Everytime I purchase a bag, I think 1 million times before buying kasi nga hindi po kasi siya ganoon ka-mura kaya kailangan talaga pag-isipan ng mabuti."

Saad pa ni Carmina, ang lahat ng kaniyang bags ay ipapamana niya kay Cassy.

"Actually lahat ng ito kay Cassy rin naman mapupunta so hindi rin ako masyadong nagi-guilty kapag nag-purchase ako ng bag kasi alam kong [ipapamana] ko 'to sa aking anak.

Panoorin ang vlog ni Carmina para malaman ang kaniyang kuwento sa designer bags.

Bukod sa bags ay may snowman collection rin si Carmina. Silipin ang kaniyang cute na cute na items sa gallery na ito: