What's on TV

WATCH: Cast ng 'Bubble Gang,' dadalhin ang 'Parokya Nato: A Laugh Story' sa Cebu

By Cherry Sun
Published February 12, 2019 12:07 PM PHT
Updated February 12, 2019 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pride colors on full display in UP Diliman
Joy Barcoma confirms she will not have a final Miss Philippines Earth walk
Bacolod fortifies borders vs ASF

Article Inside Page


Showbiz News



Non-stop na katatawanan ang hatid ng Bubble Gang sa Parokya Nato: A Laugh Story sa Cebu ngayong February 15.

Dadalhin ng cast ng Bubble Gang ang restaging ng Parokya Nato: A Laugh Story sa Cebu ngayong February 15.

Michael V
Michael V

Sa panayam ni Nelson Canlas sa mga Kababol, ikinuwento nila ang kanilang paghahanda para sa kanilang live musical performance sa Waterfront Hotel and Casino, Lahug, Cebu City.

Ang Parokya Nato: A Laugh Story ay hango sa 22nd anniversary celebration ng Bubble Gang.

TEASER: Bubble Gang 'Parokya Nato:' A Laugh Story'

Ani Michael V, “Mas maraming kaba as with any live performance, concert or a play. This one is a musical. Ang prayers ko lang ay lahat kami healthy when we start doing it.”

Kahit sanay sila sa taping linggu-linggo para sa longest-running and multi-awarded gag show, todo na raw ang pressure dahil ibang disiplina ang live performance sa entablado.

Wika ni Betong Sumaya, “First time na nailabas 'yung Parokya Nato outside GMA, Cebu pa, 'tapos ang laki pa ng venue, Waterfront, so sobrang nakakakaba.

Dagdag naman ni Paolo Contis, “We're taking this talagang sobrang seriously and we're preparing for it well.

“Kung nakita niyo 'yung… maybe may nakapanood nung episode namin doon, iba 'to, iba 'to. Mas malaki, mas maganda.”

Kahit nakakaramdan ng pressure, confident sila sa non-stop katatawanan at sorpresang kanilang ihahatid.

“I believe mas magagawa namin ngayon na mas maganda pa. Kasi lahat ng taga-Bubble Gang very competitive.

“Hindi papayag 'yan nang hilaw 'yung maipapakita nila,” pahayag ni Chariz Solomon.