What's on TV

WATCH: Cast ng 'Contessa,' gaano nga ba ka-close sa isa't isa?

By Michelle Caligan
Published July 23, 2018 5:55 PM PHT
Updated July 23, 2018 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nigerian government secures release of 100 kidnapped schoolchildren, Channels TV says
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News



Intense man ang kanilang fight scenes, malapit na magkakaibigan naman sa likod ng camera ang cast ng Afternoon Prime series na 'Contessa.'

Intense man ang kanilang fight scenes, malapit na magkakaibigan naman sa likod ng camera ang cast ng Afternoon Prime series na Contessa.

WATCH: Cast ng 'Contessa,' kumasa sa #inmyfeelingschallenge

Sina Glaiza de Castro, Jak Roberto at Patricia Tumulak, gym buddies na ngayon dahil magkakapareho ang kanilang araw ng pahinga.

"Nagsimula kasi nang mag-usap kami ni Patty [Patricia Tumulak], 'mag-workout naman tayo' since isang gym lang ang pinupuntahan namin. Tapos napagkasunduan namin na okay Wednesday workout tayo, tapos biglang dumarating si Jak [Roberto]. Hindi lang namin in-expect na dadating siya, tapos sinabi namin na 'tuloy-tuloy na natin 'to. Kapag wala tayong taping, mag-workout tayo," kuwento ng lead star na si Glaiza sa Unang Balita.

Si Gabby Eigenmann naman, para lang daw naglalaro sa set dahil sa closeness niya sa production team at kapwa artista.

Aniya, "Parang naglalaro lang kami. Tapos we shift to our own characters, tapos kapag nag-cut, balik ulit sa normal. We're doing this soap from four to six months, tapos we see the same faces every taping. Sometimes you look forward to working again."

Lagi rin daw may communication ang stars ng teleserye dahil sa social media, ayon kay Phytos Ramirez.

"Mayroon kaming Viber group, Whatsapp group, na kahit hindi kami nagkikita, lagi kaming may communication. Tapos kapag may sakit 'yung isa, kahit malayo kami, kinukumusta. Sa set, kapag may mas late na call time, [magtatanong] 'baka may gusto kayong food? Since late ang call time ko, ako na magdadala.' May ganun."

Narito ang buong report: