
Hindi nagpahuli ang cast ng patok na afternoon drama na Ika-5 Utos sa #HowHardDidAgingHitYou challenge.
Sa segment ng Unang Hirit, ipinakita ng mga bida ng serye ang kanilang mga litrato noong araw.
“More on sexy sexy yung mga role ko, hindi pa ako masyadong nasa kontrabida side 'tsaka hindi pa mommy 'yung role ko,” ani Valerie Concepcion habang ipinapakita ang kanyang picture.
Hindi rin nagpahuli ang real life sweethearts na sina Jake Vargas at Inah De Belen at ipinakita ang kanilang mga dating litrato.
“Parang buhok lang y'ung nagbago sa akin,” ani Jake pagkakita ng kanyang litrato.
Panoorin ang buong report ng Unang Hirit sa video na ito:
Tuloy-tuloy pa rin ang Ika-5 Utos sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko.