
Puro awayan at inggitan man ang napapanood sa Kambal, Karibal, kabaligtaran naman nito ang nangyayari sa likod ng camera.
Kahapon, March 14, cinelebrate ng cast and crew ng programa ang mataas nitong ratings.
Ani Carmina Villarroel, "Nagpapasalamat kami sa lahat-lahat ng kumakapit at tumututok hanggang sa ngayon."
Tinutukan ng mga manonood ang March 13 episode nito kung saan sumanib si Crisel sa katawan ni Crisan.
Ayon kay Bianca, normal lang daw ang galos at pasang natatamo nila ni Kyline Alcantara sa mabibigat na eksena pero mas gumagaan daw ang paggawa nila rito dahil na rin sa chemistry nila.
"There are times na we don't even talk about the scene because we know kung ano ang gagawin namin and hanggang saan lang ang pwede naming gawin sa isa't isa," ika niya.
Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News