
Sulit daw ang paghihirap ng cast ng Sahaya ngayong patuloy na nakatatanggap ng good reviews ang pinakabagong GMA Telebabad soap.
Ayon sa bida ng serye na si Bianca Umali, "Masayang-masaya po ako na so far, puro magagandang comments ang nakakarating sa akin."
Kuwento naman ni Benjamin Alves na gumaganap bilang Aratu, “It's nice to be part of the show that's really well-produced, well-prepared and 'yung story it's really meaningful.”
'Sahaya' tops Twitter trend list, earns positive feedback from netizens
Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa serye, mas nararamdaman na raw ng cast ang pressure para maipalabas nang mabuti ang kwento ni Sahaya.
Sabi ni Bianca, “I think mas may pressure po na ganun and it's also the expectations of the people.
“Not only 'yung expectations nila but also the expectations we've set for the show we're making.”
Ano ang dapat abangan sa mga susunod na araw sa Sahaya? Panoorin sa chika ni Nelson Canlas:
Sundan ang kwento ng isang babaeng isinilang na pinagpala na si Sahaya, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kara Mia.
Netizens laud Jasmine Curtis-Smith's superb acting as young Manisan in 'Sahaya'