What's on TV

WATCH: Cast ng 'Victor Magtanggol,' ibinahagi ang kanilang first impression sa titulo ng show

By Marah Ruiz
Published July 23, 2018 11:54 AM PHT
Updated July 23, 2018 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang reaksiyon ng stars ng 'Victor Magtanggol' noong una nilang marinig ang pamagat ng superhero telefantasya na pagbibidahan ni Alden Richards?

Simpleng pangalan ang titulo ng upcoming GMA Telebabad superhero telefantasya na Victor Magtanggol na pagbibidahan ni Kapuso actor Alden Richards.

Hindi kaya nalito ang kanyang mga co-stars noong una nilang narinig ang pamagat nito? 

"It's catchy. It's witty. It makes sense," pahayag ni John Estrada na gaganap bilang Loki. 

Medyo nagkaroon naman ng ideya si Maritoni Fernandez na gaganap bilang Alice Regalado, sa magiging tema ng show. 

"I knew it was some sort of fantasy show," aniya. 

Samantala, nagustuhan naman ni Coney Reyes na Pinoy na Pinoy ang tunog ng pangalan. 

"Average man-on-the-street name," paliwanag ng aktres na gaganap na Vivienne, ina ni Victor. 

"A person or a character that I will trust," paliwanag naman ni Chynna Ortaleza na lalabas bilang nakakatandang kapatid ni Victor na si Lynette. 

Panoorin ang first impression ng iba pang miyembro ng cast sa pamagat ng kanilang upcoming superhero series: