
Mahigit dalawang dekadang sinubaybayan ng fans ang kanilang favorite mutants sa X-Men saga.
At ang epic ending na X-Men: Dark Phoenix ay malapit nang mapanood sa sinehan.
Kaya naman ang cast ng latest installment sa series, lalong pinaghandaan ang kani-kaniyang role para maibigay ang worthy ending ng saga.
Para kay Dark Phoenix and Jean Grey actress Sophie Turner, 'di raw madali ang kaniyang paghahanda sa role kumpara sa kaniyang first X-Men film.
“I had to study a bit more and in [X-Men] Apocalypse I didn't have much to do,” aniya.
“I did more emotional preparation than physical because I'm telekinetic and so I just sit down and take a look at certain things.
“Although, I prepared physically by wearing a sort of padding on my underwear so it didn't hurt as much.”
Para naman kay Michael Fassbender na gumaganap bilang Magneto, comic books daw ang naging basehan para paghandaan ang kaniyang karakter.
Pahayag niya, “There's wirework so that's the physical side of it.
“But other than that, it's just striking poses and a lot of mime work. So yeah, I kinda referred to the comic books for that.”
https://www.instagram.com/p/ByL_Oo-njRe/
Isang directorial debut para kay Simon Kinberg ang X-Men: Dark Phoenix na aminadong isang X-Men fan noong comics pa lamang ito.
At ang pangako niya sa fans, “Fans can expect that the Dark Phoenix story is loyal to my favorite of all the X-Men storylines growing up.
“It's loyal to Chris Claremont's saga.”
Panoorin ang buong chika ni Iya Villania: