
Nagluluksa ngayon ang showbiz industry sa pagpanaw ng mahusay na direktor. Sumakabilang buhay si Direk Maryo J. delos Reyes nang atakihin siya sa puso noong Sabado (January 27) sa edad na 65.
Binalikan ng Kapuso stars ang kanilang magagandang alaala kasama ang beteranong direktor, manager at ang itinutiring na pangalawang tatay ng ilang artista.
Ang talagang tumatak sa karamihan ay ang kanyang nakakahawang tawa, malalim na mga payo, ang pagiging mabuting kaibigan at magaan na katrabaho.
Bumuhos sa social media ang pakikiramay ng celebrities sa yumaong direktor. Panoorin ang ulat ng Unang Hirit.