
It’s not about winning in a competition, it’s about winning in life!
Ito ‘yata ang panata ng ating mga Kapuso stars na natalo noon sa kanilang sinalihang kumpetisyon pero nagniningning ang kanilang mga bituin ngayon.
Hindi naging grand winner si The Stepdaughters star Megan Young sa StarStruck Season 2 pero nasungkit naman niya ang korona sa prestihiyosong beauty pageant na Miss World 2013, “Don’t do it because other people tell you to, do it because you [want to] do it. It’s not just about being beautiful or being intelligent, it’s really about reaching out and making a difference.”
Nabigo rin ang dating StarStruck V Second Prince Rocco Nacino na makuha ang Ultimate Male Survivor title pero kaliwa’t kanan naman ang kanyang showbiz commitments ngayon. Nakapagpundar na siya ng maraming negosyo, napagkalooban ng gold medal sa jiu-jitsu at nakapagtapos bilang Cum Laude sa kanyang Master of Arts in Nursing.
“[Ito] talaga ang isang bagay na maipagmamalaki ko sa magiging anak ko, sa kaibigan at alam kong magagamit ko ito para maka-inspire pa sa mga kabataan na kayang-kaya nilang gawin basta ilagay nila ang puso’t isipan nila,” ani Rocco sa Unang Hirit.
Alamin naman sa report kung paano nasungkit nina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose ang kanilang mga titulo.