
Viral ang kani-kanilang kuwento at pictures sa social media at talaga namang pumatok sila sa netizens ngayong taon.
Hindi lang ang mga celebrity parents ang sikat dahil sakop rin ng mga celebrity babies ang spotlight ngayong taon. Viral ang kani-kanilang mga kuwento sa social media at pumatok ito sa mga netizens.
Most-followed celebrity baby ang anak nina celebrity doctors Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo at kada post nito sa social media ay talagang inaabangan ng marami.
Maswerte naman si Baby Maria Letizia Dantes dahil tutok sa pag-aalaga sa kanya si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ayon kay Dingdong Dantes.
Aniya, “Most of the work is being done by Marian. Kung makakapagsalita lang ‘yung bata, alam niya kung anong hirap talaga ng mga magulang sa pagpapalaki kaya excited na rin kami makita siyang lumaki talaga.”
Tutok rin ang celebrity parents na sina Drew Arellano at Iya Villania sa kanilang panganay na si Baby Antonio Primo Arellano na ipinanganak noong August 30. Saad ng Byahe ni Drew host, “Right now, my life revolves around this kid so parang na-o-overshadow lahat eh.”
Nagpapasalamat naman ang Chika Minute anchor sa kanilang flexible work schedules, “We [are] already blessed with the work that we [have so] it made it easy for us also to give time para sa [aming] anak.”
Samantala, ready na sa kanyang daddy duties ang Parokya ni Edgar lead singer na si Chito Miranda para alagaan ang bagong silang na si Baby Miggy Miranda.
Saad niya sa Unang Hirit, “Gusto ko ako naman ‘yung mag-aalaga sa kanya. I’m really prepared naman rin kasi marami naman akong kids na naalagaan na before like ‘yung mga pamangkin ko kasi ako ‘yung bunso.”
Video from GMA News
Kabilang pa sa naturang listahan ay sina Baby Luna Agoncillo, Baby Michael James Yap, Baby Vin Sotto, Baby Aliyah Rose Smith, Baby Amanda Claire Tiu, Baby Archie Burnand at Baby Stellar Cipriano.
MORE ON CELEBRITY BABIES:
LOOK: 18 celebrity babies who are future heartthrobs and “It” girls
IN PHOTOS: 18 heart-melting photos of celebrity babies born in 2016