
Ipinagdiwang ang ika-30th anniversary sa broadcasting ni Arnold Clavio sa nakaraang episode ng kanyang show na Tonight With Arnold Clavio. Dahil espesyal ito sa host, siya naman ang sumalang sa isang interview.
Si Kapuso actress Heart Evangelista ang nagtanong kay Igan tungkol sa kanyang personal na buhay at mga bagay na may kinalaman sa kanyang career. Isa sa mga naitanong ng My Korean Jagiya star ay kung sino ang celebrity crush ng host.
"Bakit ngayon ka lang nagsabi? Dapat noon ka pa nagsabi," saad ni Heart nang malaman ang crush ni Igan na anak ng isang politiko.
Alamin kung sino siya sa video na ito.