
Siguradong mapapangiti ka sa larawang ng mga mumunting anghel ng mga proud celebrity parents na ito.
Very happy sina Bossing Vic Sotto at Eat Bulaga Dabarkad Pauleen Luna dahil sa kanilang Baby Talitha Maria na ipinanganak noong Nobyembre 6. One month pa lang ang kanilang baby pero nabinyagan na at may sariling photoshoot na siya.
Prinsesa naman nina Mars host Camille Prats at ni VJ Yambao ang kanilang Baby Nala Camilla na kumupleto sa kanilang modern family.
Mabilis namang lumalaki ang unico hijo nina Encantadia star Kylie Padilla at Aljur Abrenica na si Baby Alas Joaquin.
Tampok rin sa Unang Hirit feature sina Baby Soleil Brooklyn na anak nina Eat Bulaga Dabarkad Pia Guanio at Steve Mago, Baby Vlanz Karollyn na anak nina Encantadia star Buboy Villar at Angillyn Gorens, Baby Keon Isaac na anak nina Kitchie Nadal at Carlos Lopez at si Baby Anika nina Michelle Madrigal at Troy Woolfolks.