
Usong-uso na ngayon ang collaboration ng mga celebrities online kasama ang ilang YouTubers. Pero mas maganda kung kasama nila ang kanilang family member - lalung-lalo na kung ito ay kapatid. Dahil ang lahat ng kulitan, asaran, at sweet moments with their siblings ay maari nang i-share online.
'Yan ang paandar ng ilang celebrity vloggers at kanilang kapatid online sa kani-kaniyang YouTube channels.
Comedy
Kung hanap niyo ay kulitan at asaran, magandang mag-subscribe sa channel ng “Bida-bida Sibs” na sina Jak Roberto at Sanya Lopez. Ang mga pakulo ni Jak kay Sanya, laging bentang-benta sa netizens.
Ayon kay Sanya, “Ganun talaga kaming magkapatid e. Siguro, sanay na talaga kami ngayon at nagkataon lang na na-uso 'yung pag-vlog.
“Parang hindi namin inexpect kasi talagang inenjoy lang namin yun at hindi namin inexpect na may manonood sa pagiging bida-bida namin dalawang kapatid.”
Jak Roberto shares his tech must-haves for starting your own YouTube channel
Gaming
Kung sister bonding, cosplay, at gaming naman ang trip niyo, mag-subscribe na sa channel nina Alodia and Ashley Gosiengfiao.
Sa kani-kaniyang channel ibinabahagi nila ang kanilang trips abroad kung saan nai-interview nila ang ilang Hollywood celebrities at siyempre ang pag-laro ng iba't ibang popular online games tulad ng Mobile Legends, PUBG (PlayerUnknown's Battlegrounds), at DOTA (Defense of the Ancients).
Music
Chill at relaxed videos naman ang makikita niyo sa YouTube channel nina Gabbi Garcia at ang kaniyang kapatid na si Alex Lopez.
Sa channel ni Gabbi at Alex mapapanood ang kanilang covers ng ilang popular songs at dito ipinamamalas nila ang galing nila sa pagkanta at pagtugtog ng gitara.
Cooking
Isang friendly sibling rivalry naman ang hatid ng magkapatid na Heussaff sa kani-kaniyang vlogs. Dahil pareho silang competitive at mahilig mag-luto, 'di pinalampas nina Erwan at Solenn na magkaroon ng isang “Sibling Cook-off” kung saan ipinakita nila ang kani-kaniyang versions ng chili con carne, leche flan, at chocolate chip cookies.
Kung ano man ang trip niyo, mapa-comedy, gaming, music, o cooking, merong hatid na saya at katuwaan ang ilang Kapuso celebrity vloggers para sa iyo.
Para sa ilan pang celebrity sibling vloggers, panoorin ang ulat ni Luane Dy:
WATCH: Jennylyn Mercado is now a YouTuber