
Kumasa sa pinakabagong dance challenge sa social media sina Rodjun Cruz, Yasmien Kurdi at Dianne Medina.
Kahit na nagbabakasyon sa Seoul, South Korea, game na game na humataw ang tatlo sa patok na single ng K-pop boyband na BTS.
Umani din ang kanilang dance challenge ng positive comments mula sa ilang celebrities.
May mahigit sa 230 million views na ang official music video ng BTS na "Idol" sa Youtube.