
Patok sa mga Kapuso netizens ang viral catwalk face off sa pagitan nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Comedy Queen of the Philippines na si Aiai delas Alas.
Nag-upload kahapon, July 16, ng maikling video si Aiai sa Instagram kung saan game na rumampa silang dalawa ng kaniyang best friend.
Mayroon nang mahigit sa 214,000 views as of this writing ang catwalk video na ito.
Ilang celebrities naman ang nag-react sa kulit video na ito nina Marian at Aiai. Ito ay sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Ruru Madrid at Wally Bayola.