
Happily married at may dalawang anak na si Kapuso comedienne Chariz Solomon kaya importante raw sa kanya ang maging fit and strong.
Pero mas naging pursigido raw siyang mag-workout para magpaganda ng katawan matapos mag-artista.
"Siyempre 'yung work namin sa Bubble Gang, especially sa girls, kailangan fit [ka]. Pangalawa, parang naimpluwensiyahan na lang namin 'yung isa't isa. Si Valeen [Montenegro] kasi and Lovely [Abella], very fit. Hilig talaga nila mag-workout," kuwento ni Chariz.
Kamakailan, nahilig siya sa tinatawag na functional workout. Dito, nagiging focus ng ehersiyo ang mga galaw na ginagawa ng katawan sa pang-araw araw na buhay tulad ng pag-akyat ng hagdan.
Sa tulong ng fitness trainer na si Alexies Hinojales, ibinahagi ni Chariz ang ilang bahagi ng kanyang workout.
Panoorin ang feature sa kanya ng programang Pinoy MD: