
Nag-share sa Mars Pa More sina Camille Prats, Iya Villania, Chariz Solomon, Joyce Ching, Shayne Sava, at Kim De Leon tungkol sa mga bagay na ipinapagpasalamat nila.
Thankful ang StarStruck winners na sina Shayne at Kim sa kanilang "FANmily" o mga fans na parang pamilya na rin nila.
Malaki naman ang pasasalamat ni Joyce sa Panginoon para sa mga biyayang kanyang natatanggap.
Pareho namang grateful sina Mars Camille at Iya sa kanilang family na tumatayong haligi ng kanilang buhay.
Ipinapagpasalamat ni Chariz ang kanyang career na ayon sa kanya ngayon ay ang "Pinaka busy na stage ng career."
"I must say, 'yung goal ko mga five years, seven years ago, na-achieve ko siya ngayon. Sana magtuloy-tuloy and salamat Lord. Thank you, GMA, for trusting me. Lalo na 'tong Mars Pa More, Bubble Gang, Pepito Manaloto, salamat," wika ni Chariz.
Panoorin ang buong kuwento nina Camille, Iya, Chariz, Joyce, Shayne at Kim sa video ng Mars Pa More below: