
Puwede na ninyong i-recreate and mga Asian street food na paborito niyo!
Last Sunday, January 29, nagpatikim sina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos ng ilang Asian street food favorites sa Idol sa Kusina na puwede ninyong i-recreate sa inyong mga bahay.
Isa sa kanilang inihanda ay ang Gimbap Korean Rice Rolls. Panoorin kung paano ihanda ang yummy and filling dish na ito sa recipe na ibinahagi ni Chef Boy.
Kung bread ang hanap ninyo, may isa pang handa sina Chef Boy at Bettinna. Ito ay ang Bahn Mi na ang ibig sabihin ay tinapay na sinamahan pickled vegetables at chicken.
Japanese street food favorite ang isa pang handa ng Idol sa Kusina at ito ay tinatawag na Yakitori.
Sa Malaysia, mayroon silang sariling version ng Palitaw at ito ay tinatawag nilang Malaysian Onde-Onde. Sundan lamang ang ilang steps para magawa ang Asian dish na ito.
MORE ON 'IDOL SA KUSINA':
WATCH: Mga handa para sa Chinese New Year, itinuro nina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos
WATCH: 'Idol sa Kusina's' fruity and sweet coolers for New Year's Eve celebration