
Nagbigay ng technique kung paano maging mahusay na kontrabida ang batikang aktres na si Cherie Gil sa episode ng Tonight With Arnold Clavio kagabi.
Isa sa mga epektibong paraan ay kung paano ka tumingin. Kailangan daw seryoso ka at dapat nakababad ang iyong tingin. Ika niya, “It’s in the feeling from the inside.”
Kaya naman, nagpa-sample pa siya ng kanyang nakakapanindig-balahibong tingin at game namang sinubukan ito ng host ng programa na si Arnold Clavio.
Panoorin ang video na ito: