
Ang theme song ng The Crown Princess na “Aking Mahal” ay isa sa mga kantang makakasama sa bagong album na ire-release ni Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista under Universal Records.
The Crown Princess: “Aking Mahal” by Christian Bautista | Teaser
Tuluy-tuloy raw ang recording ni Christian at umaasa siyang matatapos ang kaniyang bagong album soon.
Aniya, “Ngayon, I want to collaborate with younger song writers as well.
“Iba yung mga sulat nila ngayon. Ang gaganda rin!
“It's coming from a deep, deep place.”
Mga young Kapuso singers naman ang nakakasama at nakakatrabaho ni Christian sa Studio 7.
“Studio 7 has also become a very, very nice part of my life.
“I have gained new friends and we're happy ang dami-dami rin bagong singers, especially The Clashers.”
Maliban sa pag-record ng bagong album at tapings, naghahanda na rin si Christian na lumipad papuntang Estados Unidos para sa Studio 7 MusiKalye sa Brooklyn, New York kasama sina Julie Ann San Jose, Betong Sumaya, Alden Richards, at Golden Cañedo.
Panuorin ang buong chika ni Aubrey Carampel:
Abangan ang 'Studio 7 MusiKalye' sa New York!