
Dahil malapit na ang Pasko, hindi maiiwasang mapagusapan ang tungkol sa mga regalo.
Ano nga ba ang mga bagay na gustong ibigay at matanggap ng ilang miyembro ng cast ng inspiring GMA Telebabad show na The Gift?
Kung magiging regalo daw ang sex appeal, mas gusto daw itong ibigay ng karamihan sa kanila.
"Give it na lang kasi may appeal na ko. Okay na 'yun. Charot!" pahayag ni Jean Garcia.
"Marami na ko eh. Give. Wow! Whoo! Nakakatakot," sagot naman ni Rochelle Pangilinan.
"Give. So much girl, oozing," pabiro namang tugon ni Tetay.
Naiba naman sa kanila si Christian Vasquez, na nais daw makatanggap nito.
"Tumatanda na ko, so ire-recive ko na 'yan. Kailangan ko na siguro 'yan," aniya.
Alamin ang iba pang regalong gustong nilang ibigay at matanggap sa online exclusive video na ito:
Samantala, patuloy na subaybayan ang kuwento ng The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice.
WATCH: Mikee Quintos at Mikoy Morales, naglaban sa 'Guess The Christmas Song' challenge
BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards, sinubukang maging vlogger sa set ng 'The Gift'