
Alamin ang mga gift ideas mula sa paborito mong artista.
Christmas is just around the corner. May pang-regalo ka na ba sa iyong pamilya at mga kaibigan? Kung wala pa, may gift suggestions ang inyong paboritong Kapuso stars para sa iyong monito o monita.
Sa hinandang Kris Kringle ng Unang Hirit, nabunot ni Superstar Duets judge na si Christian Bautista ang host ng show na si Ultimate Star Jennylyn Mercado.
“Something furry” at “something long and hard” ang kailangan niyang ibigay kaya naisip ni Asia’s Romantic Balladeer, “Since mahilig siya sa dogs, bibigyan ko siya ng toy para sa dog niya, [and] since she likes exercising and sports, maybe a billiard stick.”
Nabunot naman ni Allen K ang kapwa niyang judge na si Traffic Diva Aicelle Santos at patungkol naman sa health ng dalaga ang inalala ng komedyante na “something wet.”
Aniya, “Something for the throat since she’s a singer, and she had medication [noong] nawalan siya ng boses [so] lube for the throat.”
Nabunot naman ng mag-ina sa Meant to Be ang isa’t isa. Kung “something embarrassing to carry in public” ang pag-uusapan, bibigyan ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang kanyang Mommy Manilyn Reynes ng napkin. Ani, “Kasi parang lahat ng babae naman ay nadadaan sa ganun [at] feeling ko ‘yun ang pinaka-convenient na maibibigay ko sa kanya.”
“Something imported” naman ang kategorya na nabunot ng Pepito Manaloto star, “Ang mahal naman [pero] madaling bilhin [ay] tsokolate.”
Payo pa ng aktres, “Kung gusto mo ng something na may touch ng pagkakilala niya sa ‘yo at ang pagkakakilala mo sa kanya, mag-iisip muna ako kung ano talaga. Aalamin ko kung ano ang hilig niya [at] ano ang paborito niya.”
LOOK: Ano ang early Christmas gift na natanggap ni Carla Abellana
WATCH: Gretchen Barretto wants a south sea pearl necklace for Christmas