
Alam niyo bang minsan nang pinasok ng anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa ang go-go dancing sa Amerika?
Sa Tunay na Buhay, ikinuwento ng actress-singer na si Ciara Sotto ang kanyang pinagdaanan noong naninirahan siya sa Estados Unidos.
Minsan nang sinubukan ng dating Eat Bulaga host na mag-pursue ng acting career abroad noong 2007. Pinasok ni Ciara ang teatro kung saan araw-araw silang nagsanay ngunit sa kasamaang palad ay hindi nagbukas ang theater na pagtatanghalan nila sana.
“It was hard. Akala ko, ayaw ko na. Uwi na ako pero parang doon na-build ‘yung character ko noong nasa States ako. Ako lahat eh,” kuwento ng aktres na kung anu-anong trabaho ang pinasukan para matustusan ang mga pangangailangan.
“’Yung mga Amerikana kong friends na nagwo-work sa clubs [bilang] go-go dancers, [sinabing], ‘You [want to] come? It’s just an hour, and you get a $100.’ Sabi ko, ‘Really? All you have to do is dance? Go!’,” na-enganyo si Ciara na pasukin ang go-go dancing at naranasan niyang ring magsuot ng skimpy outfits.
Tinago niya ito sa Mommy at Daddy niya. Nalaman na lang daw nila noong umuwi na siya ng Pilipinas at nadismayado raw ang kanyang mga magulang sa balita.
Panoorin ang buong panayam ni Rhea Santos kay Ciara sa Tunay na Buhay: