
Suportado si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes hindi lamang ng kanyang fans kungdi pati na rin ng mga kapwa talents niya sa PPL Entertainment, Inc sa Season 2 ng Alyas Robin Hood. Ang PPL Entertainment, Inc. ay pinangungunahan ng talent manager na si Perry Lansigan.
READ: Talent manager Perry Lansigan posts heartwarming birthday message to Dingdong Dantes
Sa Instagram account ng naturang management team, mapapanood ang dalawang videos na nagpapakita ng suporta ng co-talents ni Dong sa pagbabalik niya bilang si Alyas Robin Hood.