What's Hot

WATCH: Cogie Domingo, idinidiing na set-up lang siya sa buy bust operation

By Marah Ruiz
Published October 28, 2017 1:12 PM PHT
Updated October 28, 2017 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News



Kasama ni Cogie ang misis na si Ria Sacasas at sinabing nag-di-dinner lang sila. Nagulat na lamang siya nang may arestong nang naganap.    

Kabilang ang aktor na si Cogie Domingo sa mga nahuli ng PDEA Region IV-A sa isang buy bust operation na ginanap sa isang subdivision sa Parañaque. 

Natagpuan pa ng mga pulis ang ilang drug paraphernalia sa loob ng kanyang sasakyan. 

Pero mariin itinatanggi ni Cogie na sangkot siya sa iligal na droga. 

"Actually po, hindi naman po talaga ko nagbebenta. Hindi rin po ako gumagamit. Hindi rin po ako bumibili. Hindi ko po alam kung ano po 'yung ebidensiya laban po sakin. Sa totoo niyan, kumakain lang po kami ng dinner at nagulat na lang po ako na nagkaroon po ng mga pulis doon at nagkaroon ng hulihan," pahayag niya. 

"I believe na na-set up lang po ako kaya ganun," dagdag pa niya. 

Suportado naman ng kanyang amang si Atty. Rod Domingo ang kanyang anak. 

"Sumusuporta ako sa aking anak. Alam ko na hindi [siya] nagdo-droga, hindi nagbebenta. He's not in any way related to drugs," aniya. 

Sinapahan na si Cogie at ang iba pang nahuli sa buy bust operation ng paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act. 

Panoorin ang ulat ni John Consulta para sa 24 Oras