What's on TV

WATCH: Conan Stevens, higanteng Tamawo na makakalaban ni 'Super Ma'am'

By Bea Rodriguez
Published October 18, 2017 2:06 PM PHT
Updated October 18, 2017 2:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang pagdating ni 'Game of Thrones' star Conan Stevens bilang Giant Tamawo sa 'Super Ma'am.'

Makayanan kaya ni Super Ma’am na kalabanin ang Hollywood actor at Game of Thrones star na si Conan Stevens bilang isang higanteng Tamawo sa GMA action-fantasy series? May panibagong hamon sa tungkulin ni Super Ma’am bilang tagapagligtas ng mga tao at Tagachu ng mga Tamawo.

Balik Pilipinas si Conan para bigyang buhay ang isa sa pinakamatinding makakalaban ng ating superhero.  “[I’m] looking forward to putting her into a place because I’m the strongest enemy she has ever seen,” panakot ng dating Encantadia star sa ating Tamawo Slayer sa GMA Telebabad.

In top shape ang Australian actor na nagte-train sa Amerika bilang isang body builder. Nakakatrabaho ni Conan ang ilan sa mga bigating pangalan sa industriya ng entertainment sa nasabing bansa.

“Last time, I got to train with Arnold Schwarzenegger, Ralf Moeller, Alexander Nitski. When you’re surrounded by big guys, it’s motivating,” pagtatapos niya sa 24 Oras interview ni Nelson Canlas.

Nakatakdang mag-taping si Conan para sa Super Ma’am sa susunod na linggo. Abangan at huwag a-absent sa klase ni Super Ma’am, gabi-gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.