
Natapos na ang unang bahagi ng Kapuso celebrity ukay-ukay sa Noel Bazaar na ginanap sa Atrium Hotel sa Pasay City.
Ilan sa items na naging patok ay ang jacket ni Miguel Tanfelix, dress ni Kyline Alcantara at jacket ni Rocco Nacino. Nakalikom ang pinagbentahan ng mga ito ng pondo para sa upcoming projects ng GMA Kapuso Foundation.
May pangalawang bahagi pa ang celebrity ukay ukay na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena kung saan maaaring mabili ang ilang mga damit mula kay Primetime Queen Marian.
Kabilang na dito ang isang gown na ginawa para sa kanya ng tanyag na Portuguese designer na si João Rôlo.
"Ito 'yung isa sa pinakamaraming comments sakin sa OOTD ko na gusto nilang mapasakanila. So sabi ko siguro its about time to give back, na i-share ko 'to sa kanila," pahayag ni Marian tungkol sa damit.
Panoorin ang buong ulat ni Mel Tiangco para sa 24 Oras: