
And we're down to six.
Na-eliminate na sa Kapuso artista reality search na StarStruck si Dani Porter matapos makakuha ng pinakamababang results mula sa combined voters at judges scores noong Linggo, August 25.
Aminado ang StarStruck hopeful na nalungkot siya sa nangyari at mami-miss niya ang kanyang kapwa hopefuls.
Plano raw niyang bumalik sa pag-aaral ngayong tapos na ang kompetisyon pero may balak rin siyang i-pursue ang career sa comedy.
Aniya, “Kung ano po 'yung tinadhana sa akin, kung ano po 'yung destiny ko, kung binigay sa akin 'yan ni God, tatanggapin ko po iyon.”
Panoorin ang buong ulat ni Iya Villania:
Dani Porter's artista journey ends in 'StarStruck'
Chariz Solomon to 'StarStruck' artista hopefuls: “Hindi naman 'yan pasikatan, patagalan 'yan”