
Tuluyan nang nagpaalam sa StarStruck season 7 si Dani Porter.
Pero bago pa man siya umalis sa original reality-based artista search ay in-interview muna siya ni Kyline Alcantara para sa Inside StarStruck.
Kuwento ni Dani, ang lungkot na kanyang nararamdaman ay dahil hindi na niya makakasama ang kanyang mga kaibigan.
Pag-amin ni Dani, sa StarStruck lamang siyang nakahanap ng totoong mga kaibigan.
Gayunpaman, proud pa rin siya layo ng kanyang narating sa StarStruck.
"Dito ko lang po naramdaman na magkaroon ng kaibigan.
“Parang naisip ko ngayon, parang nawala na ako.
“Parang 'yung pangarap ko po na parang namatay na siya.
“Pero masaya po ako na nakaabot ako dito.
“Siyempre, ang layo, imagine sobrang dami ng nag-audition.
“Tapos ngayon nandito ako. Nakaabot ako dito, kaya sobrang saya ko pa rin."
Ibinahagi rin ni Dani na ang mga naiisip niyang mananalo bilang Ultimate Male and Female Survivors this season ay sina Kim De Leon at Shayne Sava.
"Si Kim De Leon, 'tsaka Shayne Sava,” aniya.
“Kay Shayne kasi, noong una ko siyang nakilala na kinukuwento niya 'to...
“Parang nalulungkot ako sa istorya niya parang gusto ko si Shayne ang manalo dito.
“Kahit ako okay lang ako kahit ano ang mangyari sa akin, destiny nga kasi kung ano talaga."
Samantala, ipinangako naman ni Dani sa kanyang fans na hindi siya susuko sa pag-abot ng kanyang pangarap na mag-artista.
Saad ng bagong StarStruck Avenger, "Sa fans ko, maraming maraming salamat sa suporta ninyo.
“Alam kong nalungkot kayo noong natanggal ako pero okay lang 'yan. Hindi naman nagtapos ang laban ko.
“Sabi nga ni Ms. Chariz Solomon, hindi ito pasikatan kung hindi patagalan."