What's Hot

WATCH: Danica Sotto and Marc Pingris' advice on marriage

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Pagkatapos ng nine years of marriage and two kids, maituturing ngang #MarriageGoals sina Marc at Danica. Ano kaya ang advice nila sa mga mag-asawa?


Siyam na taon nang kasal ang young couple na sina Danica Sotto at Marc Pingris at mayroon na silang dalawang anak na sina Mic at Caela.

 

My lovely date???????? #myqueen #alvinlovingyouforever

A photo posted by Marc Pingris (@jeanmarc15) on


“Teammates” nga raw ang dalawa sa pagpapalaki ng kanilang mga anak at sa pagpapanatili ng kasiyahan sa kanilang pamilya, ayon sa kuwento ni Rhea Santos sa Tunay Na Buhay.
 
Ano'ng klaseng may bahay ang anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie? “Maasikaso si Danica, wala akong masabi, [‘yung tipong] paggising ko sa umaga, andiyan na ang food [at talagang] inaasikaso niya ang mga bata,” saad ng PBA star.
 
Enjoy naman ang actress-turned-blogger sa mga trip ng kanyang asawa sa buhay, “Sobra niyang spontaneous na tao, ‘yung bigla na lang isasayaw ka niya [at] bubuhatin ka niya bigla, parang ikaw na lang nahiya [kasi] ang daming tao.”

Looking forward ang mag-asawa at ang kids na madagdagan pa ang kanilang happy family. “Sana dalawa pa,” hiling ng 33-year-old mom na suportado rin ng kanyang asawa, “Kung ibigay ni Lord.”
 
Tila nga may tinatawag na “forever” sa mag-asawang Pingris. Ito ay dahil sa kanilang paniniwala pagdating sa pagpapatibay ng relasyon, “Dapat sa mag-asawa, pinapairal ang tunay na respeto [at] tunay na pagtanggap sa pagkatao ng bawat isa.”
 
Payo naman ng basketbolista, “Kailangan pantay kayong dalawa [at] huwag kayong magpataasan. Kailangan ‘yung relasyon n'yo [ay] nasa gitna talaga si Lord.”


Video courtesy of GMA Public Affairs

MORE ON MARC PINGRIS AND DANICA SOTTO: 
 
Danica Sotto and Marc Pingris celebrate 9th wedding anniversary
 
Marc Pingris to wife Danica Sotto: “Hindi mawawala sa buhay mo ‘yung pagmamahal ko”