
In-love man o may pinagdadaanan, relate na relate ang marami sa hit songs ng indie pop rock band na December Avenue.
Ang kanilang single na “Magkunwari ('Di Man Tayo)” ay ginamit pang theme song ng GMA Primetime series na TODA One I Love.
LOOK: December Avenue records 'TODA One I Love' theme song
Higit isang dekada na ang December Avenue na nabuo noong 2007 sa University of Santo Tomas.
Pero bago sila sumikat at maging in-demand, muntik na raw nilang isuko ang kanilang pangarap na maging musikero dahil maganda na raw ang kanilang mga posisyon sa kani-kaniyang day jobs.
Dahil dito, ang kantang “Sa Ngalan ng Pag-ibig” ay hango sa kanilang real life experience na gawin ang lahat para abutin ang kanilang pangarap.
Ayon kay Zel, ang lead vocalist ng banda, “'Yung 'Sa Ngalan ng Pag-ibig' it talks about kung ano 'yung kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig.
“Parang itong sa pagbabanda namin, pwede kong i-relate 'yung sarili ko na naghintay ako ng sobrang tagal para maabot ko ang pangarap ko.”
Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:
TODA One I Love: Magkunwari ('Di Man Tayo) | Teaser