What's Hot

WATCH: 'December Avenue' hinuhugot sa real-life experiences ang kanilang hit songs

By Cara Emmeline Garcia
Published May 16, 2019 10:42 AM PHT
Updated May 16, 2019 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ateneo students to protest Baterbonia, Adili deaths through walkout, black bands at graduation
Police identify 2 dead people inside vehicle on TPLEX
A Team celebrates 12 years with fundraising event The Demo XII

Article Inside Page


Showbiz News



In-love man o may pinagdadaanan, relate na relate ang marami sa hit songs ng indie pop rock band na December Avenue. Read more:

In-love man o may pinagdadaanan, relate na relate ang marami sa hit songs ng indie pop rock band na December Avenue.

December Avenue
December Avenue

Ang kanilang single na “Magkunwari ('Di Man Tayo)” ay ginamit pang theme song ng GMA Primetime series na TODA One I Love.

A post shared by December Avenue (@decemberavenue) on

LOOK: December Avenue records 'TODA One I Love' theme song

Higit isang dekada na ang December Avenue na nabuo noong 2007 sa University of Santo Tomas.

Pero bago sila sumikat at maging in-demand, muntik na raw nilang isuko ang kanilang pangarap na maging musikero dahil maganda na raw ang kanilang mga posisyon sa kani-kaniyang day jobs.

Dahil dito, ang kantang “Sa Ngalan ng Pag-ibig” ay hango sa kanilang real life experience na gawin ang lahat para abutin ang kanilang pangarap.

Ayon kay Zel, ang lead vocalist ng banda, “'Yung 'Sa Ngalan ng Pag-ibig' it talks about kung ano 'yung kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig.

“Parang itong sa pagbabanda namin, pwede kong i-relate 'yung sarili ko na naghintay ako ng sobrang tagal para maabot ko ang pangarap ko.”

Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:

TODA One I Love: Magkunwari ('Di Man Tayo) | Teaser