GMA Logo Cesar Apolinario friends and colleagues
What's Hot

WATCH: Dedikasyon ni Cesar Apolinario, inalala ng mga kaibigan at kasama sa trabaho

By Dianara Alegre
Published December 16, 2019 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Arra San Agustin, naniniwala na ‘insecure’ ang mga nagtataksil sa relasyon
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Cesar Apolinario friends and colleagues


Inalala ng mga kapwa niya mamamahayag ang dedikasyon at sipag ni Cesar Apolinario sa trabaho.

Inalala ng mga kaibigan at kasama sa trabaho ang yumaong Kapuso news reporter na si Cesar Apolinario.

GMA Network statement on the passing of Cesar Apolinario, Jr.

Binigyang-pugay ng ilang mamamahayag si Cesar gaya nina Tina Panganiban-Perez, JP Soriano, Dano Tingcunco, Ian Cruz, Raffy Tima, Bernadette Reyes, Rowena Salvacion at Oscar Oida.

Celebrities, reporters, netizens express grief over Cesar Apolinario's death

He was more than a colleague, he was a friend. There are no words. Godspeed and rest in peace Cesar.

A post shared by raffytima (@raffytima) on

‪#SalamatCesar sa pagiging bangka tuwing Christmas party natin sa @gmanews. Ikaw rin lang yata ang makakaakbay nang ganyan sa boss natin. @cesarapolinario

A post shared by Tina Panganiban-Perez (@tinapanganibanperez) on

bawat mamamahayag may kanya-kanyang kwento araw araw. Ngayong araw nagtapos ang kwento ng iyong buhay, pero gaya ng mga makasaysayang kaganapan na paulit ulit inaalala, isa kang magandang alaala na laging sasariwain ng bawat isa samin. Hayaan mo sana akong ibahagi kung gaano kabusilak ang iyong puso. Naalala mo pa ba yung mga panahong walang wala ako na kahit anong binebenta ko, kahit longaniza na inaalok ko, bibili ka ng ilang kilo na tiyak ko naman hindi mo lahat makakain? Pero bibili ka pa rin dahil alam mong may mapapasaya kang tao. Lahat na ng mga nagkasakit, namatayan, nasunugan o ano pa man, lahat tinutulungan mo. Nawa'y lahat ng kabutihang iniwan mo sa mundo ay bumalik sa pamilyang naulila mo. Sa taong ni minsan hindi ko naringan ng masama, sa taong walang hinangad kundi kabutihan sa kapwa, sa taong nag mamahal sa trabahong ito, sa taong lubos na nagmamahal sa mga anak at sa kabiyak, mahal ka namin, Cesar. #salamatcesar

A post shared by Bernadette Reyes (@bernadettereyes) on

Hindi lang mga kasama sa trabaho ang nagbigay-pugay sa mamamahayag, pati mga celebrity din at isa na rito si Kapuso actress Barbie Forteza.

Kayo po ang pinakaunang naniwala sa kakayahan ko, Direk @cesarapolinario at patuloy na naniwala. Ibang klase po kayong magalaga, magmahal at sumuporta. Maraming maraming salamat po sa lahat sa itinuro niyo sakin. Mahal na mahal ko po kayo, direk. Hanggang sa muli.

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

“Kayo po ang pinakaunang naniwala sa kakayahan ko, Direk Cesar Apolinario at patuloy na naniwala. Ibang klase po kayong mag-alaga, magmahal at sumuporta.

"Maraming, maraming salamat po sa lahat sa itinuro n'yo sa 'kin. Mahal na mahal ko po kayo, Direk. Hanggang sa muli,” caption ni Barbie sa kanyang post.

Naging direktor ni Barbie sa pelikulang Puntod noong 2009 si Cesar.

Panoorin ang Unang Balita report dito:

#SALAMATCESAR: 'I Juander' management and staff give beloved host Cesar Apolinario an emotional send-off