GMA Logo Dennis Trillo
Celebrity Life

WATCH: Dennis Trillo, 'plantito' na rin?

By Marah Ruiz
Published June 25, 2021 11:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

15 ka balay, nasunog sa San Juan, Molo; malapit 50 ka indibidwal, apektado | One Western Visayas
Senate issues show cause order vs Zaldy Co, 5 others
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo


Tila 'plantito' na rin si Dennis Trillo matapos niyang 'buuin' ang isang paso ng bird of paradise.

Sumama na si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa ranggo ng mga tinaguriang "plantito" at "plantita" ngayong quarantine.

Pero hindi regular na halaman ang nahiligan ng aktor ngunit halaman na gawa sa plastic block ang kasalukuyang kinahuhumalingan niya.

Sa pamamagitan ng isang timelapse video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram acccount, ipinakita ni Dennis ang pagbuo niya sa Bird of Paradise Lego set.

Mula ito as Botanical Collection ng sikat na plastic block toy line na Lego.

Kumplikado ang set at iniririkomenda sa mga edad 18 pataas. Maliliit kasi ang mga piyesa at umaabot ang bilang nito sa 1,173 piraso.

Panoorin ang timelapse ng pagbuo ni Dennis ng kanyang Bird of Paradise Lego set dito:

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Kasalukuyang naka-quarantine sa isang hotel si Dennis bilang preparasyon sa pagbabalik lock-in taping ng kanyang upcoming GMA Telebabad series na Legal Wives.

Kabilang ang mga Lego sets sa bitbit niya at ang mga ito ang pinagkakalibangan niya habang nagpapalipas ng oras.

Sa pangalawang araw ng kanyang quarantine, isang Ninjago set naman mula rin sa Lego ang binuo ni Dennis.

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Bago pa man ito, nahilig na si Dennis as pagbuo ng mga kumplikadong Lego sets.

Minsan na niyang ibinahagi ang timelapse video ng pagkumpuni niya ng 007 Aston Martin DB5 Lego set o ang sasakyan ng sikat na fictional British spy na si James Bond.

Espesyal ang set dahil regalo sa kanya ito ng nobyang si Ultimate Star Jennylyn Mercado.

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Samantala, nakatakdang magsimula muli ang lock-in taping ng Legal Wives sa huling bahagi ng June.

Samantala, tingnan sa gallery sa ibaba ang ibang Kapuso celebrities at kanilang hobbies: