
Flattered si Kapuso Drama King Dennis Trillo nang sabihin ng marami na pwedeng isabak sa ilang international film festivals ang pelikula niyang na Mina-Anud.
Aniya, "Suntok sa buwan 'yun pero nakaka-flatter 'yung compliment na 'yun.
"Kaya thank you, kung sino man ang nagbigay ng opinion na 'yun.
"Pero sana panoorin ninyo kung bakit ganun 'yung pagkaka-describe sa pelikula."
Ang pelikula ay tumatalakay sa isyu ng droga na inalon sa dagat at nakuha ng mga mangingisda sa maliit na bayan ng Samar. Ito raw ay base sa totoong pangyayari noong 2009.
Kasama ni Dennis sa pelikula si Love You Two star Jerald Napoles at idinerehe naman ito ni Kerwin Go na nanalo ng Basecamp Colour Prize sa Singapore's Southeast Asia Film Financing Forum noong 2017.
Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago
WATCH: Dennis Trillo, inspired sa pelikulang 'Mina-Anud' na pinagbibidahan niya
Dennis Trillo and Jerald Napoles-starrer to close 2019 Cinemalaya Festival