
Punong puno ng saya at katatawanan ang Linggo ng hapon nitong March 26 dahil sa paglalaro nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Janice de Belen sa People vs. The Stars.
SNEAK PEAK: It's Janice de Belen, Tom Rodriguez, and Dennis Trillo's turn to fight in the 'People vs The Stars'
Nag-uumapaw ang energy ni Tom nang tanungin kung saan nanggaling ang nickname ni Manny Pacquiao na Pacman. Ngunit natawa na lamang ang grupo ni Tom nang ibinunyag na nina Iya Villania at Drew Arellano ang tamang sagot.
Muntik nang ma-perfect nina Dennis, Tom, at Janice ang Brain Buster Challenge pero nauwi sa pagkalito ang tatlo nang tanungin ang trabaho nina Manny Pacquiao at Jak Roberto.
Nagkaroon ng isang dance number sa People vs. The Stars dahil sa saya ni Tom nang madagdagan ang kanilang pot money.
Panoorin ang informative at funny Sunday episodes ng People vs. The Stars at 5:00 p.m.
MORE ON 'PEOPLE VS. THE STARS':
WATCH: Ryza Cenon, naging Georgia sa 'People vs. The Stars'