
Nagsisimula nang mag-taping ang cast ng upcoming primetime series na Cain at Abel na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.
LOOK: When two kings unite for a big project
Isang eksena ang ibinahagi ni Dennis sa kanyang Instagram account, kung saan tumalon siya mula sa isang tulay sa Santa Cruz, Laguna.
May nakakatawang sagot naman ang aktor sa nagtanong sa kanya kung siya ba talaga ang tumalon.
Nag-post din siya ng larawan kung saan kakaahon lamang niya mula sa ilog. Aniya, "Malinis siya promise."
Nang tanungin kung ano ang lasa ng tubig, ito ang kanyang naging sagot.
Abangan ang Cain at Abel, malapit na sa GMA Telebabad