
Dream project daw para kay Andrea Torres ang upcoming primetime series na The Better Woman dahil makaka-pareha niya ang kaniyang iniidolo na si Derek Ramsay.
Derek Ramsay at Andrea Torres, magtatambal sa isang serye
"Pinangarap ko po na maging leading man siya, hindi ko alam kung paano ang mangyayari pero siyempre 'pag fan ka and [pinapanood mo 'yung mga palabas niya,] sinasabi mo rin mo na, 'ay isa 'yan sa mga goals ko, gusto ko makapareha ko din 'yan,'" bahagi ni Andrea sa panayam ng 24 Oras.
Ayon naman kay Derek, hindi raw niya inakala na magiging click kaagad sila ng aktres noong unang beses silang nagkita sa shoot ng GMA Summer Shows 2019 "Basta't Ka-Summer Kita" video.
LOOK: Derek Ramsay and Andrea Torres's photo heats up Instagram
"Nagulat ako kasi sobrang approachable n'ya, parang close na kami agad, ang daldal niya, comfortable na kami kaagad sa isa't-isa," saad niya.
Hindi raw mahirap katrabaho si Andrea dahil, aniya, nagustuhan niya ang pag-uugali nito.
"Walang ka-ere ere, she looks you in the eye when she talks to you, which I like. I'm really, really happy that we have this comfort zone with each other, we're very comfortable with one another."
Macho at manly ang image ni Derek pero sa bagong yugto ng kaniyang career, nais daw niyang patunayan na he is more than just a hunk.
At dahil ngayong Kapuso na siya, handa na raw siyang i-level up ang kaniyang game bilang all-around actor.
Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras: