What's Hot

WATCH: Derek Ramsay, nakipagkulitan sa 'Tonight With Arnold Clavio'

Published April 25, 2019 10:00 AM PHT
Updated April 25, 2019 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Sumabak si Derek Ramsay sa “Hot or Not” Challenge sa 'Tonight With Arnold Clavio.'

Game na game na nakipagkulitan ang bagong Kapuso na si Derek Ramsey sa kaniyang unang guesting sa Tonight with Arnold Clavio.

Derek Ramsay and Arnold Clavio
Derek Ramsay and Arnold Clavio

Sa naganap na interview, inamin ni Derek na natutuwa siyang bumalik sa GMA network.

Aniya, “Sobrang overwhelming.

“Sobrang loving at caring ng mga tao dito and tamang-tama sila.

“I feel loved here.”

Ilang sandali na lang at magsisimula na ang #DerekOnTWAC! Tutok lang sa GMA News TV, mga Igan! 💜

A post shared by TWAC (@twacofficial) on


Sa Tonight with Arnold Clavio rin sinabi ni Derek ang mga Kapuso stars na gusto niyang makatrabaho sa kaniyang future projects.

“It's an amazing feeling to know that big stars would like to work with me.

“Siyempre nandiyan si Jennylyn [Mercado], lalo na kasi ilang project na ang nagawa namin.

“Si Dong [Dantes], nakatrabaho ko na din.

“I'd love to work with all the stars,” aniya.

Sumabak din ang Kapuso hunk sa “Hot or Not” Challenge kung saan na-reveal ang kanyang ideal girl.

Anu-ano kaya ito?

Alamin 'yan at iba pang nangyari sa first guesting ni Derek sa ulat ni Suzi Abrera:


Abangan ang unang teleserye ni Derek Ramsay kasama si Andrea Torres sa The Better Woman, sa GMA 7.

Kapuso Profiles: Derek Ramsay : Risk taker, Go-getter