What's on TV

WATCH: Derrick Monasterio, Bea Binene, Kristoffer Martin reunited sa set ng 'Dragon Lady'

By Cara Emmeline Garcia
Published March 1, 2019 10:59 AM PHT
Updated March 1, 2019 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

61-anyos na rider, patay sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Urdaneta City
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News



Awkward daw minsan ang nararamdaman ng magkakaibigang sina Bea Binene, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio kapag magkakasama sila sa set ng Dragon Lady. Alamin dito kung bakit:

Talagang #FriendshipGoals.

Kristoffer Martin, Bea Binene, at Derrick Monasterio
Kristoffer Martin, Bea Binene, at Derrick Monasterio

Na-miss ng mga dating Tween Hearts stars na sina Bea Binene, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio ang isa't isa dahil nagsilbing mini-reunion ang set ng bagong Kapuso series na Dragon Lady.

Sa pagsama-sama ng tatlo, hindi pa din nawawala ang kulitan nilang magkakaibigan.

Sabi ni Derrick, “Medyo awkward kasi pag sineryoso namin yung isa't isa, natatawa kami.

Pero bilang mga professionals ang mga kasama ko at magagaling na artista, syempre nadadala nila ako” dagdag pa niya.

Ani naman ni Bea, it requires double the effort.

“Kasi syempre kaibigan mo, kaya kapag hindi nagte-take nagchi-chikahan kayo.”

IN PHOTOS: Meet the complete cast of 'Dragon Lady'

Sa walong taon nila sa showbiz, hindi pa rin daw nawawala ang kanilang closeness sa isa't isa.

Kuwento ni Derrick nagte-text daw si Kristoffer sa kaniya ng 3 a.m. “Para maglabas ng sama ng loob.”

Habang si Bea naman ay natutuwa sa pagbabago ng mga pinag-uusapan nila.

“Nakakatuwa nga po kasi nafi-feel mo na tumatanda kayo sa mga pinag-uusapan ninyo.

“Parang dati, sobrang babaw lang ng mga topics,” dagdag ni Bea.

Panoorin:


Subaybayan sina Derrick, Bea, at Kristoffer sa bagong serye na Dragon Lady dito lang sa GMA.

IN PHOTOS: The fierce cast of 'Dragon Lady'