
Kung ang ilan ay nagpapalaki ng katawan ngayong summer, ibahin ninyo si Kapuso actor Derrick Monasterio dahil body trimming ang focus niya ngayon bilang paghahanda sa kanyang big project na Mulawin VS Ravena.
Bilang isang Mulawin o ibon, kakailanganing lumipad ni Derrick sa telefantasya sa pamamagitan ng harness kaya't mas mapapadali ito kung mas magaan ang kanyang timbang.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, ibinahagi ni Derrick na mas nahihirapan daw siya sa fight training kaysa sa harness activities niya para sa upcoming GMA Telebabad soap. "Mas mahirap 'yung arnis para sa 'kin kasi it involves fighting 'eh. I've never fought anyone in my life like fist fight, wala," bahagi ng aktor.
Gagampanan ni Derrick ang karakter ni Almiro na anak nina Gabriel at Alwina na bibigyang buhay naman nina Dennis Trillo at Heart Evangelista.
Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report.
MORE ON 'MULAWIN VS RAVENA':
Carla Abellana, kinikilabutan pa rin sa pagiging Aviona sa 'Mulawin VS Ravena'
WATCH: Heart Evangelista and Lovi Poe's harness training for 'Mulawin VS Ravena'